Huwebes, Hunyo 6, 2013

50/50- 50% na makita ulit 50% hindi

Makikita ko pa ba yung lalakeng nakasabay ko ng flight papuntang Hong Kong at pabalik ng Manila? Haha landi ko lang. Noong nasa NAIA terminal 2 kami (papuntang HK) may tinuro yung tito ko sa akin na lalake, katulad ko, teenager rin. Inaasar niya ako noon, pero walang talab akong naramdaman noon, wala akong pakialam noon. Sinabi ko "ehhh ano ba yan, common na yung katulad niya." Pero ang nasa isip ko noong time na yun is parang nakita ko na siya before or may kamukha lang na kakilala ko.Kinain ko sinabi ko. haha.Nagdaan ang mga araw, tapos pabalik na kami ng Manila, hindi ko akalain na makikita ko siya sa Hong Kong International Airport. Noong time na nakita ko siya, dun lang ako nakaramdam ng talab sa puso ko. Why so late? hahaha. Ang late reaction ko talaga. Maraming pagkakataon na na nagkrus kami ng landas at late ko lang na realize yun.

Aside from nakasabay ko siya sa both flights ito pa yung ibang moments:

1. Magkatapat kami ng upuan habang naghihintay ng boarding pabalik ng Manila. That was so close!
2. Nakita ko siya sa entrance ng HK intl airport.
3. I'm 3 seats away from him sa plane noong pabalik ng Manila. I'm in 26C, he's in 23C as I remember. I still remember the flight number May 19- PR 319. (Philippine Airlines) hahaha.
4. Nag krus kami ng landas sa immigration. (Pauwi na, sa NAIA)
5. While waiting for someone to fetch us on our way home katabi namin sila na naghihintay.. And they saw us too. hohohoho.

Ang daming moments noh! hahahahaha honestly, kilig muchhh pa rin ako. hahaha.

I'm not assuming na tinitingnan niya ako. Pero nagkaroon kami ng coincidence eye contact. Medyo prolonged hahaha. Hindi naman OA sa haba mga 3 seconds. haahahah saya lang noh? : > hahahahaha.

Ngunit, sayang talaga at hindi ko na picturan haha wala man lang akong souveneir sa sarili ko. hahahahahahaha. But I'm waiting for my uncle too upload more pictures na sagap siya dun hahahahaha.

Hindi ko talaga siya makalimutan! Siguro kasi hindi pa pasukan at wala pang ginagawa, baka i'm bored. Feeling ko nasa state ako na hindi ako maka get-over.  Sana makita ko yun wala naman impossible eh. Nandito lang siguro yun sa NCR. Pero kung hindi, it's not the end of the world, marami pa naman akong makikilala. Hindi ko naman siya pag-aaari eh hahaha. Normal lang siguro ito. Hindi ko muna hinihiling na makatuluyan yun eh. Gusto ko lang siya makita. haha. 

Ito ang iiwan kong tanong.

1. Is this healthy?
2. Ito na ba yung love at first sight? At may ganoon ba talaga sa totoong buhay? Korny man haha. or hindi lang ako maka get-over?
3. pwede rin infatuation?

Anyways kilig to the max pa rin kahit ilang weeks na ang nakaraan. hahahaha.

Lesson learned: Grab the oppurtunity. hahaha.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento