"Akala ko nga eh tapos na, maginhawa na, yun pala may parating pa."
Ako ay isang biyolinista, music student.
1.Lahat ng tao dumaan sa challenge na ito na yung tipong nagpapractice ka para makuha mo yung notes, yung notes lang tapos okay na yun. Ngayon binabago ko na siya, nao-overcome ko naman siya. Dati nakaramdam ako ng pwede na kaya yun? Ngayon confident na ako kapag magpapractice. Mag-isip ka lang yun lang ang key doon. Akala ko din dati kahit papaano pero mas okay kung ginagamit si kokote. :)
2. Pero ito ang pinakachallenging sa lahat, yun ang lumipat ng mentor, gusto ko na lumipat nun dahil parang hindi na kami click sa bandang huli, nasa student-teacher relationship iyan eh ( paano ang approach niya sayo? effective ba ang tinuturo niya sayo?). Mahirap lumipat dahil sa samahan, kasi nagbi-build din kayo ng friendship niyan eh. I was with my ex-mentor for 6 years, at ang pinakamahirap gawin ay yung sabihin yung totoo na gusto mo na lumipat, ayon sa kasabihan, "The truth hurts." mas mabuti ng sa akin manggaling ang katotohanan kaysa sa iba. Sinabi ko yung truth, na-relieve naman ako na nasabi ko na pero may kaunting luha ng "mamimiss ko yung ganito ganyan." kasi kahit bandang huli may may kaunting nega siyempre mayroon pa rin na good memories. Tinulungan rin niya ako makabangon sa isang challenge na nalagpasan ko.
Anong nagtulak sa akin na lumipat ako?
My ex-mentor is good and smart, pero gaya nga ng sinabi ko hindi na kami click sa bandang huli, which means hindi na siya effective para sa akin.
Busy ang schedule niya.
Honestly magulo siya minsan.
Siympre bago ako magdecide na lumipat na ng mentor nag-usap muna kami ng konsensya at puso ko.
"Effective pa ba?"
"Ano na ba ang nagawa niya sa akin?"
"Masaya ka pa ba?"
"Anong mga naituro niya?"
The list goes on.
I also had my mistakes, before, my practice habbits was not that mature (tugtog-tugtog lang), but I learned before I decided to transfer to another teacher, my practice habbits is beginning to be smarter. Right now, i'm in the process. Pero kahit na binago ko sarili ko, may hinihingi pa rin ako na manggagaling sa kanya. Pero hindi niya kasi binigay yung hinihingi ko eh. Nagpapasalamat rin ako at naniwala siya sa kakayahan ko! :)
So sa pasukan hello new life and new teacher! Huwag kayong susuko! Nagkamali na ako dati, natuto ako, nagkamali ngayon, natuto naman ako. Ganyan ang buhay kailangan magkamali para matuto at magkakamali ka pa ulit! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento